Grabe. Nagulat ako sa Social Interview. Siya ang pang number 6. HAHAHAH! Panalo. =D
Kinikilig ako.. SHARE lang.
Saturday, November 28, 2009
Inspired Ako.
Posted by happygoluckytype at 4:58 AM 0 comments
Friday, November 27, 2009
Bigla Ko Lang Naisip
Bigla ko nga palang naisip ung naganap sa Maguindanao. Ang Maguindanao Massacre. Sorry pero, walang kaluluwa ang taong nasa likod ng patayan na yun. Ano siya? Gusto niya bang lumabas ang pangalan niya sa dictionary at ang maging definition ay "worst killer"? Hindi man lang niya naisip ang pamilya ng mga taong pinaslang niya. Eto pa ang malupit, hindi niya lang pinatay, ginahasa at binaon pa pati ang sasakyan. Oh di ba? Wala talaga siyang kaluluwa. Gusto ko siyang tanungin. Bakit mo nagawa un? Ano ang pumasok sa isip mo at nagawa mo un?! Nakakalungkot pero ang mga tao talaga pagdating sa kapangyarihan nalilimutan na niyang tao siya. Hindi ba nila naiisip kung gaano kahirap ang mamuno? Kung sa classroom nga lang hirap na hirap na pasunudin ang mga classmates mo, sa bayan pa kaya? Aminin na nating hindi talaga marunong, ay teka mali, sabihin na nating MEDYO mahirap para sa ating mga Pinoy ang sumunod, kasi anong silbi ng mga MMDA Boards na nagsasabing "Walang Tawiran Nakakamatay" kung marunong naman tayong sumunod di ba? Edi sana ung budget na para diyan napunta na lang sa edukasyon. Pero hindi eh. Kahit saan at sa Maynila may makikita kang ganyan pero ano? Ayon, mahuhuli pa din sa akto si Juan na lumalabag sa simpleng batas. Mababago pa kaya natin to? May lunas pa kaya sa sakit ng lipunan na kung tawagin ay Kanser. Pero kung tutuusin kahit ganyan si Juan, may nakakamangha naman siyang talento na nag-aangat sa kanya sa iba. Halimbawa si Leah Salonga, Apl.de.Ap, Arnel Pineda, Charisse Pempengco, Manny "Pacman"Pacquiao. At ang latest si Efren Penaflorida. So kung may mga Pinoy naman pala na ganyan edi tayo ay pwede ding maging angat sa iba.
Posted by happygoluckytype at 1:50 AM 0 comments
Friday, November 20, 2009
Personalized!
Just finished customizing my page. It's so cool.. For me.
Kailan kaya ako makakagawa ng maayos-ayos na blog no? Hehe.
I'm totally bored here. (Now Playing: Paparazzi) Whew. Madami akong gustong gawin ngayon pero di ko magawa.. Hays. Gagawa na lang ako ng assignment o kaya tutugtog na lang ako ng gitara mamaya. AHH. Bahala na. Di ko alam, bukas kasi busy na ko. =(
Sa MAXI: goodluck po sa sayaw. =) Kaya niyo yan. Hehe.
Saturday nga pala bukas, namimiss ko na ang Drum&Lyre. Sobra! Lalo na ung mga bonding moments namin. =( Hay. Bahala na si Batman. Think Positive Ma. Fe at wag kakalimutang ngumiti. =)
Posted by happygoluckytype at 2:59 AM 0 comments
Thursday, November 19, 2009
2 days using the net on school.
Well, I'm not using our net in house.. It's obvious I'm using the net of our school. Hihi brr. =p
this is so free time.
follow me on twitter please: @luisaonthego
Posted by happygoluckytype at 7:51 PM 0 comments
Wednesday, November 18, 2009
Maxi. It's Computer Time!
Hello MAXI! Hahaha! Puro blogspot tayo dito ah. :)
I like it. Hihi brr.. Ayon. Goodluck sa laban mamaya. I heart all of you guys!
(muuuaaah!)
Posted by happygoluckytype at 7:33 PM 0 comments
Monday, November 16, 2009
Bakit Ganun?
Bakit Ganun?
Iyan ang katanungan na lagi nating sinasambit sa tuwing nagtataka tayo.
Tama ba ko? At ngayon, nais ko ulit mag-share. SHARE LANG!
Ganito un. Lunes, Nov. 16 '09
Umaga. Nagkukumahog akong umalis ng bahay namin dahil ako'y mukang male-late na.
Eto na, nakikita ko na ang gate ng school. Pagpasok ko sabi ko "Bat ganun?" pano ba naman kasi pagpasok ko may tugutog.. which is weird. Pero kahit ganun, sige lang pasok padin ako. Nakita ko na sila Kate,Patrick at Louise, plano na naming umakyat kasi akala namin pwede na.. Un pala hindi pa. Dyahe dba? Tapos ung bell mukang na-late ata. Weird! Edi umakyat na kami. Masikip. Well, sanay na yata kami sa ganung eksena ang MASIKIP at MAINIT na daanan. Edi ayon, nasa classroom na kami. Biglang sinabi ng classmate ko sakin "uy journal mo sa Chem?" ang expression ko lang.. "what the?!" napasabi tuloy ako sa sarili ko na "ginawa ko lahat ng assignment ko nung Saturday morning pero ung journal at progress chart nalimutan ko. Bakit ganun?" Pero, sige pinasa ko na din journal kong kulay violet kahit walang sulat. Bahala na si Batman. First Period namin, kinoveran namin ung desk namin ng red na cartolina(i love red!),medyo nahirapan ako. Hehe. Hindi nga ko nag-cocover ng books ko e(nakakahiya pero sinabi ko padin). Edi ayon, etong mga katabi ko except dun sa isa.. sorry for the word, pero mga parasite sila. Alam naman nilang magcocover ng desk hindi nagdala ng gunting, glue, tape.. etc. Tapos kukuha-kuha sila ng gamit ko, ang worst pa dun HINDI SILA NAGPAPAALAM, ayoko pa naman ng ganun. Hmf!! So nilagyan ko ng design ung table ko. Eto ung mga nilagay ko: pangalan ko, hihi brr.., i ♥ my family and friends sign, lyrics ng Bizarre Love Triangle at 17 Ain't So sweet(hindi sila pwedeng mawala.. kse HAHA!) at ung animated figure ko, courtesy of Kate. Ok, I'm done! Second Period: Chemistry. OMG! May quiz, eh absent pa naman ako nung nilesson ung mga kasama dun sa quiz kaya sobrang kaba talaga ko. Nung checking na, nagulat ako. PUMASA ako. Then I realized "Bat ganun?" Ewan ko bat pumasok sa utak ko yan.
RECESS TIME! May baon akong biscuits at tubig(parang grade school lang eh no?) Ung chips booth, as usual.. MAHABA ang pila. Ung sa High School, naawa ako kay Ate(ung vendor sa bookstore) kasi may mga bumibili ng supplies tapos chips pa, pano niya naman na handle un di ba? Eto kami hindi nagpapalit, nag-stay kami sa tent, na sumisingaw ung inet. Si Patrick kasi eh.. Napag-usapan tuloy namin ang P6. HAHA! It’s AP time, Roman History ang topic. Ang daming pangalan “bakit ganon?” wasak! Pero wala naman akong karapatang mag-reklamo, kasi un talaga ang Roman History. Pero kahit ganun un, nag-eenjoy ako ah. Filipino Time na! Noli Me Tangere. Napakasarap pag-aralan, nalaman pa namin ung tinanggal na kabanata, ung Elias at Salome. Si Salome ay isang PATAPON! HAHA. Mga terminology eh no? Sumunod ung mga reporter, medyo hindi ko na-gets ung report nila kaya nag-basa na lang ako. Sa Kabanata 25 may nagustuhan akong linya. “Ang gobyerno’y walang nakikita, walang naririnig, walang pagpapasya..” Sabi iyan ni Pilosopo Tasyo. Sa totoo lang totoo yan eh, maski ngayon totoo padin yan. Tama ba ko?
LUNCH TIME! Mainet padin as usual. Ung mga 1st Yr. lunch din nila, tapos ung mga Grade School pati kaming mga Juniors at ung mga Seniors lunch din nila. WOW! Ubusan ng pagkain, ubusan ng pwesto! “Bakit ganon? Nagsabay-sabay ang lunch ng karamihan. Aw.” Pero sa totoo lang, ok lang din na kasabay naming ung mga 1st Yr. Nakikita ko kasi kapatid NIYA, kaya ayon(blush ♥). Nag-bell na, so P.E Time na namin, dyahe! Ang gagawin kasi naming ung Step Up Final Showcase. Buti na lang wala akong partner, at ayokong sumayaw. Eto un eh, pakantahin mo na ko,patamblingin(kung kaya ko), gawing stand up commediene WAG lang pasayawin. Bakit kse ganun? Nawala na sa nature ko ung pag-sayaw. Simula nung natuto ko mag-gitara at magka-banda. Pangako. Tapos na P.E Time, napagsabihin kami ng English Teacher namin kasi abuso na kami sa pagiging late, may point din nga naman siya. Ginawa na naming ung group activity, “bat ganun? Kami dapat ung pang 4th na performer naging pang-20 na.” Sa pagsabi ko niyan, imbes na matuwa kami, naburaot kami. PREPARED na kami eh! Sayang. Pero we’ll do our best na lang para mataas ang grade!
RECESS TIME! Takbo dito, takbo don. Yan ang eksena namin ni Pat, nang hiram ako ng coloring materials sa 1st Yr. (bad influence ako no? imbes na magdala ako ng materials manghihiram ako, sa 1st Yr. pa!). Then sa bookstore, 6 na bond paper. Ayon! Tapos ang kaso. Pumunta kami kila Tap, at bakit ganun? Nagpapaka-babae na daw ako. Touch naman ako. Hindi naman ako tom eh. Boyish lang talaga, hindi ba nila maintindihan un? May crush nga ko e. HAHAHA! Kailangan talagang sabihin un eh no? Nag-bell na ung ring, ayos ng upuan tapos itong kapatid NIYA biglang nagpapansin! Type talaga ko nung maging sister-in-law eh(joke! HAHA!) Nahihiya nga ko dun e, pag sa misa kasi imbes na ung 1st Yr ung pansinin ko, kasi ka-text ko nga, ang pinapansin ko ung KUYA niya. Eh iba naman kasi ung pinagsamahan naming ng Kuya niya!(PINAGSAMAHAN? Ehem!) Tama na! Kinikilig ako eh! HAHA.
RELIGION TIME! Wala ang teacher, ayon.. tulala lang ako, pero ung nasa harapan ko tinatawan ko. Ginagaya kasi ung commercial ni Teodoro, hanggang sa naging topic na naming dalawa un. Ako naman kanta na ng kanta ng “may bagong umagang parating!” WAAAH! I like it. Hindi ko mapigilan sarili kong tumawa nung time na un. Last subject na, GEOM: JOM! HAHA! Nakakawindang, nag-check lang kami ng assignment at nagkulong kami sa kugon naming classroom dahil masisilaw kami sa araw. Nakakatawa, nung biglang bumukas ung pinto, para kaming naging mga zombies sa I Am Legend. Lahat kami nakatakip ng mata eh. HAHA!
UWIAN NA! Bigla ko naming naramdaman na ang bilis ng araw. Bakit ganun? Waaah!
PATIO. Normal na sa mga Josephian ‘to. Sus. Wala atang Josephian ang hindi dumadaan dun bago umuwi eh.
Pauwi na ko, may aso sa harapan ko. Feeling ko balak niya kong lusubin. Bakit ganun? Bakit ako? Nakita siguro ng asong un ung Piatos at Pop-Cola ko. Pero buti na lang hindi nya ko sinugod. Haii. Bakit ganun?
Ayon, sa tingin ko hindi appropriate ung title ng blog ko sa blog ko.
Gusto ko palitan,pero ayaw gawin ng mga kamay ko. Bakit ganun?
Posted by happygoluckytype at 2:12 AM 0 comments
Saturday, November 14, 2009
This Is It

I know this blog is kinda' late coz' This Is It was already shown last Oct. 28? Am I right, If not you can correct me. So this is it! We watch this movie during it's last full show. The rehearsal of This Is It is so amazing! The music is great, the dancers are great, the director, Kenny Ortega, is also great and most of all MJ is so great! He danced very gracefully, sang very perfectly. Everything in the rehearsal is good or should I say PERFECT! Before I watched this movie, honestly, I'm not so into MJ but after watching the This Is It! I'm one of his big fan! He's so terrific! His songs are so beautiful. I like Billie Jean, Human Nature, THRILLER! and many more. But, unfortunately, he passed away. So sad, maybe if he's still alive today, This Is It Concert will be marked as one of the greatest concert. Coz' if the rehearsal is so perfect, then in the real performance it will be beyond perfect! I also want to mention her guitarist, take note HER. She's so cool. For me she's like the woman version of Slash of Guns N Roses. I want to be like her. That's all. :)
Posted by happygoluckytype at 6:07 AM 0 comments
Ano Expression Mo?
- Hihi brr. -derived sa The Brewrats. They are my favorite radio show, dito sila DJ Ramon Bautista, DJ Angel Rivero at DJ Tado Jimenez. Idol ko sila kasi they're so cool at trip ko din ung mga pinag-uusapan nila. Iniintroduce ko sila sa mga hindi pa Brewster. You must listen to them before you die!
- Weeeeeehhh? -one of the "pambara" words. Eto ung sinasabi sa classroom namin kapag na-tripan mangbara ng kapwa classmate. Ang sama no? Weeeeeeeeeeehh?
- Talk To The Hand -kausapin mo kamay ko. HAHA. Trip ko din to, kasi minsan may mga nakakausap ako na wala namang sense ang pinagsasabi kaya ang sarap sabihan ng Talk To The Hand.
- Sounds Like That -eto narinig ko kay Kuya Dhen, our Drum and Lyre Instructor, pag may bago kasi syang ituturo lagi niyang sinasabi yan. Ayan, bigla ko talaga syang na-miss. Aww.
- Huwaaaaat?! -gulat? HAHA. Oo pag nagugulat sa balita, HUWAAAT? For Example: "Uy si ano na at si ano!" tapos sagot ko naman "huwaaat?" Mga ganyan-ganyan lang un.
- Ano -common na sating mga Pinoy to. Lagi nating ginagamit ang salitang "ANO" sa pagtutukoy sa kakilala o gamit o kung ano man. Tamo, ginamit ko ung ano oh. Ang ano talaga oh!
Posted by happygoluckytype at 5:51 AM 0 comments
FAD

What is FAD? I think its Facebook Addiction Disorder.
Posted by happygoluckytype at 5:00 AM 0 comments
Saturday, November 7, 2009
1st Entry
Hello to all.
Posted by happygoluckytype at 8:20 AM 0 comments



