Bakit Ganun?
Iyan ang katanungan na lagi nating sinasambit sa tuwing nagtataka tayo.
Tama ba ko? At ngayon, nais ko ulit mag-share. SHARE LANG!
Ganito un. Lunes, Nov. 16 '09
Umaga. Nagkukumahog akong umalis ng bahay namin dahil ako'y mukang male-late na.
Eto na, nakikita ko na ang gate ng school. Pagpasok ko sabi ko "Bat ganun?" pano ba naman kasi pagpasok ko may tugutog.. which is weird. Pero kahit ganun, sige lang pasok padin ako. Nakita ko na sila Kate,Patrick at Louise, plano na naming umakyat kasi akala namin pwede na.. Un pala hindi pa. Dyahe dba? Tapos ung bell mukang na-late ata. Weird! Edi umakyat na kami. Masikip. Well, sanay na yata kami sa ganung eksena ang MASIKIP at MAINIT na daanan. Edi ayon, nasa classroom na kami. Biglang sinabi ng classmate ko sakin "uy journal mo sa Chem?" ang expression ko lang.. "what the?!" napasabi tuloy ako sa sarili ko na "ginawa ko lahat ng assignment ko nung Saturday morning pero ung journal at progress chart nalimutan ko. Bakit ganun?" Pero, sige pinasa ko na din journal kong kulay violet kahit walang sulat. Bahala na si Batman. First Period namin, kinoveran namin ung desk namin ng red na cartolina(i love red!),medyo nahirapan ako. Hehe. Hindi nga ko nag-cocover ng books ko e(nakakahiya pero sinabi ko padin). Edi ayon, etong mga katabi ko except dun sa isa.. sorry for the word, pero mga parasite sila. Alam naman nilang magcocover ng desk hindi nagdala ng gunting, glue, tape.. etc. Tapos kukuha-kuha sila ng gamit ko, ang worst pa dun HINDI SILA NAGPAPAALAM, ayoko pa naman ng ganun. Hmf!! So nilagyan ko ng design ung table ko. Eto ung mga nilagay ko: pangalan ko, hihi brr.., i ♥ my family and friends sign, lyrics ng Bizarre Love Triangle at 17 Ain't So sweet(hindi sila pwedeng mawala.. kse HAHA!) at ung animated figure ko, courtesy of Kate. Ok, I'm done! Second Period: Chemistry. OMG! May quiz, eh absent pa naman ako nung nilesson ung mga kasama dun sa quiz kaya sobrang kaba talaga ko. Nung checking na, nagulat ako. PUMASA ako. Then I realized "Bat ganun?" Ewan ko bat pumasok sa utak ko yan.
RECESS TIME! May baon akong biscuits at tubig(parang grade school lang eh no?) Ung chips booth, as usual.. MAHABA ang pila. Ung sa High School, naawa ako kay Ate(ung vendor sa bookstore) kasi may mga bumibili ng supplies tapos chips pa, pano niya naman na handle un di ba? Eto kami hindi nagpapalit, nag-stay kami sa tent, na sumisingaw ung inet. Si Patrick kasi eh.. Napag-usapan tuloy namin ang P6. HAHA! It’s AP time, Roman History ang topic. Ang daming pangalan “bakit ganon?” wasak! Pero wala naman akong karapatang mag-reklamo, kasi un talaga ang Roman History. Pero kahit ganun un, nag-eenjoy ako ah. Filipino Time na! Noli Me Tangere. Napakasarap pag-aralan, nalaman pa namin ung tinanggal na kabanata, ung Elias at Salome. Si Salome ay isang PATAPON! HAHA. Mga terminology eh no? Sumunod ung mga reporter, medyo hindi ko na-gets ung report nila kaya nag-basa na lang ako. Sa Kabanata 25 may nagustuhan akong linya. “Ang gobyerno’y walang nakikita, walang naririnig, walang pagpapasya..” Sabi iyan ni Pilosopo Tasyo. Sa totoo lang totoo yan eh, maski ngayon totoo padin yan. Tama ba ko?
LUNCH TIME! Mainet padin as usual. Ung mga 1st Yr. lunch din nila, tapos ung mga Grade School pati kaming mga Juniors at ung mga Seniors lunch din nila. WOW! Ubusan ng pagkain, ubusan ng pwesto! “Bakit ganon? Nagsabay-sabay ang lunch ng karamihan. Aw.” Pero sa totoo lang, ok lang din na kasabay naming ung mga 1st Yr. Nakikita ko kasi kapatid NIYA, kaya ayon(blush ♥). Nag-bell na, so P.E Time na namin, dyahe! Ang gagawin kasi naming ung Step Up Final Showcase. Buti na lang wala akong partner, at ayokong sumayaw. Eto un eh, pakantahin mo na ko,patamblingin(kung kaya ko), gawing stand up commediene WAG lang pasayawin. Bakit kse ganun? Nawala na sa nature ko ung pag-sayaw. Simula nung natuto ko mag-gitara at magka-banda. Pangako. Tapos na P.E Time, napagsabihin kami ng English Teacher namin kasi abuso na kami sa pagiging late, may point din nga naman siya. Ginawa na naming ung group activity, “bat ganun? Kami dapat ung pang 4th na performer naging pang-20 na.” Sa pagsabi ko niyan, imbes na matuwa kami, naburaot kami. PREPARED na kami eh! Sayang. Pero we’ll do our best na lang para mataas ang grade!
RECESS TIME! Takbo dito, takbo don. Yan ang eksena namin ni Pat, nang hiram ako ng coloring materials sa 1st Yr. (bad influence ako no? imbes na magdala ako ng materials manghihiram ako, sa 1st Yr. pa!). Then sa bookstore, 6 na bond paper. Ayon! Tapos ang kaso. Pumunta kami kila Tap, at bakit ganun? Nagpapaka-babae na daw ako. Touch naman ako. Hindi naman ako tom eh. Boyish lang talaga, hindi ba nila maintindihan un? May crush nga ko e. HAHAHA! Kailangan talagang sabihin un eh no? Nag-bell na ung ring, ayos ng upuan tapos itong kapatid NIYA biglang nagpapansin! Type talaga ko nung maging sister-in-law eh(joke! HAHA!) Nahihiya nga ko dun e, pag sa misa kasi imbes na ung 1st Yr ung pansinin ko, kasi ka-text ko nga, ang pinapansin ko ung KUYA niya. Eh iba naman kasi ung pinagsamahan naming ng Kuya niya!(PINAGSAMAHAN? Ehem!) Tama na! Kinikilig ako eh! HAHA.
RELIGION TIME! Wala ang teacher, ayon.. tulala lang ako, pero ung nasa harapan ko tinatawan ko. Ginagaya kasi ung commercial ni Teodoro, hanggang sa naging topic na naming dalawa un. Ako naman kanta na ng kanta ng “may bagong umagang parating!” WAAAH! I like it. Hindi ko mapigilan sarili kong tumawa nung time na un. Last subject na, GEOM: JOM! HAHA! Nakakawindang, nag-check lang kami ng assignment at nagkulong kami sa kugon naming classroom dahil masisilaw kami sa araw. Nakakatawa, nung biglang bumukas ung pinto, para kaming naging mga zombies sa I Am Legend. Lahat kami nakatakip ng mata eh. HAHA!
UWIAN NA! Bigla ko naming naramdaman na ang bilis ng araw. Bakit ganun? Waaah!
PATIO. Normal na sa mga Josephian ‘to. Sus. Wala atang Josephian ang hindi dumadaan dun bago umuwi eh.
Pauwi na ko, may aso sa harapan ko. Feeling ko balak niya kong lusubin. Bakit ganun? Bakit ako? Nakita siguro ng asong un ung Piatos at Pop-Cola ko. Pero buti na lang hindi nya ko sinugod. Haii. Bakit ganun?
Ayon, sa tingin ko hindi appropriate ung title ng blog ko sa blog ko.
Gusto ko palitan,pero ayaw gawin ng mga kamay ko. Bakit ganun?
Monday, November 16, 2009
Bakit Ganun?
Posted by happygoluckytype at 2:12 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments:
Post a Comment