Grabe. Nagulat ako sa Social Interview. Siya ang pang number 6. HAHAHAH! Panalo. =D
Kinikilig ako.. SHARE lang.
Saturday, November 28, 2009
Inspired Ako.
Posted by happygoluckytype at 4:58 AM 0 comments
Friday, November 27, 2009
Bigla Ko Lang Naisip
Bigla ko nga palang naisip ung naganap sa Maguindanao. Ang Maguindanao Massacre. Sorry pero, walang kaluluwa ang taong nasa likod ng patayan na yun. Ano siya? Gusto niya bang lumabas ang pangalan niya sa dictionary at ang maging definition ay "worst killer"? Hindi man lang niya naisip ang pamilya ng mga taong pinaslang niya. Eto pa ang malupit, hindi niya lang pinatay, ginahasa at binaon pa pati ang sasakyan. Oh di ba? Wala talaga siyang kaluluwa. Gusto ko siyang tanungin. Bakit mo nagawa un? Ano ang pumasok sa isip mo at nagawa mo un?! Nakakalungkot pero ang mga tao talaga pagdating sa kapangyarihan nalilimutan na niyang tao siya. Hindi ba nila naiisip kung gaano kahirap ang mamuno? Kung sa classroom nga lang hirap na hirap na pasunudin ang mga classmates mo, sa bayan pa kaya? Aminin na nating hindi talaga marunong, ay teka mali, sabihin na nating MEDYO mahirap para sa ating mga Pinoy ang sumunod, kasi anong silbi ng mga MMDA Boards na nagsasabing "Walang Tawiran Nakakamatay" kung marunong naman tayong sumunod di ba? Edi sana ung budget na para diyan napunta na lang sa edukasyon. Pero hindi eh. Kahit saan at sa Maynila may makikita kang ganyan pero ano? Ayon, mahuhuli pa din sa akto si Juan na lumalabag sa simpleng batas. Mababago pa kaya natin to? May lunas pa kaya sa sakit ng lipunan na kung tawagin ay Kanser. Pero kung tutuusin kahit ganyan si Juan, may nakakamangha naman siyang talento na nag-aangat sa kanya sa iba. Halimbawa si Leah Salonga, Apl.de.Ap, Arnel Pineda, Charisse Pempengco, Manny "Pacman"Pacquiao. At ang latest si Efren Penaflorida. So kung may mga Pinoy naman pala na ganyan edi tayo ay pwede ding maging angat sa iba.
Posted by happygoluckytype at 1:50 AM 0 comments



